• Home
  • Transparency
  • Contact Us
  • Onyx

    Romulo Baquiran Jr.

    Winner, National Book Award, Poetry, 2003
    Sinisipat ng Onyx ang mga pagmamasid, penomenon, at emosyong ipinapahayag ng samutsaring kaakuhan na nagsisikap ibunyag ang tanging kalikasan ng mga ito sa lente ng metapora at imahinasyon. Ang pagtunghay sa mga kaakuhang ito ay pagtuklas sa mga hulagway na nakatupi sa bawat tula. Ang salimbayan ng mga persona ay pamamaraan ng pagtatanghal sa iba’t ibang tapyas ng binubuong lawas sa koleksiyon. Ikalawang aklat ito ng makata mula sa kanyang Mga Tula ng Paglusong na inilimbag ng Anvil Publishing noong 1992.
    Quezon City: University of the Phillipines Press, 2003
    ISBN: 971-542-393-0
    79 pages

    No Comments Yet.

    Leave a comment